in
Sa pag usbong ng makabagong panahon, marami narin ang nag bago, mula sa teknolohiya,disenyo ng bahay,gusali estilo ng pananamit at marami pang iba. pero kasabay ng mga pagbabagong ito ay ang pagbabago rin ng ating wika, pagbabago sa paraan ng pag dagdag,pagbawas o pagriribisa ng ating orihinal na wika, pagbabagong nagdulot ng malaking kalituhan para sa ating mga nakakatanda at marahil ay pagiging komportable para sa mga nakakabata. Sa pag silang ng modernong panahon isinilang din ang iba't-ibang uri ng wika tulad ng jejemon at bekimon o (gay Lingua/Lingo). Marahil matagal na nating naririnig ang mga wikang ito, pero hindi pa natin alam ng lubusan ang tungkol dito. Ano nga ba ito? at kailan nag simula? ito ba ay epektibo sa pakikipag komunikasyon? Gaano kaya ito ka halaga? o mayroon nga ba talaga itong halaga?
Sa modernong henerasyon umusbong ang iba't-ibang uri ng sosyo linguwistikong grupo at isa na nga rito ang sosyo linguwistikong grupo ng mga homosexual o mga bakla. Bekimon o Gay language/Lingo/lingua ang tawag sa wika na sinasalita ng mga homosexual o mga Bakla. Ang Gay lingo o bekimon na ang nagsisilbing wikang sinasalita ng mga bakla sa katunayan, sa 10 baklang aming ikinapanayam 8 sa kanila ang marunong magsalita at ginagamit ang bekimon bilang conversational na wika samantalang 2 lang ang hindi ginagamit at hindi marunong magsalita ng naturang wika. Ang gay lingo ay nag simulang lumaganap noong taong 2011, ito ay natutunan lamang nila sa pamamagitan ng pakikipaghalubilo, at pakikinig sa mga usapan ng mga bakla sa kanilang lugar. Bagamat ang wikang ito ay itinuturing na impormal ng karamihan, pero para sa mga bakla na siyang pangunahing gumagamit ng wikang ito, ito'y lubos na mahalaga sapagkat. Sa kabila ng lahat, lubos nilang pinapahalagahan ang kanilang sariling wika o linggwahe dahil Ito lang ang nagpapatunay na sila ay nagkakaisa at masaya. Ang wikang ito ang pangunahing gamit nila upang magkaroon sila ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba Ang salitang gay lingo ay maaring matutunan kahit saan o kahit sino, kahit hindi ka bakla dahil ang wikang ito sa kasalukuyan, ay itinuturing na salitang sosyal dahil sa pagiging laganap.
Maaaring hanggang ngayon hindi pa tukoy kung kailan at saan eksakto nag simula ang gay lingo, Marahil, para sa ating hindi gumagamit, hindi marunong at hindi nakakaintindi, ang wikang ito ay isang panggulo lamang at walang halaga. pero para sa mga taong gumagamit, nakakaintindi, at nakakapag salita nito, ito ay isang wikang tulay tungo kanilang pagkakaintindihan at instrumento sa sa kanilang pagkakaisa.
Talasalitaan:
Cebuano Gay Lingo
|
Filipino
|
Erkat sukaw
|
Malandi ka
|
Sulok sukaw
|
Bobo ka
|
Erbot
|
Puwet
|
Q-ang
|
Baliw
|
Qulat
|
Hintay
|
Whre sang suya
|
Nasaan siya
|
Syudtoms bayot.
|
Eto na oh!
|
Syumims lang
|
Eto kang
|
Flight juken
|
Aalis na ako.
|
Gorra
|
Tara
|
Yebha
|
Boyfriend
|
Meme na kiks
|
Lami o yummy
|
Aketch/sukim
|
Ako
|
sukaw
|
Ikaw
|
Juris/junakis
|
anak
|
Mudra
|
mama
|
Judian
|
Ayaw
|
Pipa/Erfa
|
Maganda
|
Betsuya
|
Gusto ko siya!
|
suya
|
Siya
|
keks
|
Lalake
|
tsararat
|
Pangit
|
Erfu
|
Gwapo
|
Eby
|
Babae
|
Yotsmi
|
Bakla
|
Maya
|
Parang bakla
|
Jurag
|
Lakwatsera
|
Burlog
|
Natulog
|
Melet
|
Mga bagay-bagay
|
Tombalats/tombabels
|
Tomboy/tibo
|
Was
|
wala
|
Peslak
|
Mukha
|
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento