"ILIGAL NA DROGA" salitang umuugong saan ka man mag punta, salitang sangkot sa patayan maging sa pulitika, maraming pinoy maging mga kabataan adik sa DROGA. Bakit ba? ano nga ba ang droga? bilang isang kabataan dapat ba itong pagtuonan ng pansin? bakit kaya tila ang lipunan ay naka sentro sa DROGA? may dalawang klase ng droga may nakakabuti o medicinal/Pharmaceutical drugs at illegal drugs, ang drugang nakaka adik at may masamang epekto sa katawan ng tao. ang illegal drugs ang pinag tutuonan ng malaking pansin ng pamahalaan dahil bukod sa makakapag dulot ito ng sakit at nangungunang dahilan ng mga krimen ay talamak na din ito sa bansa at ang mas masaklap karamihan sa sangkot sa iligal na droga ay mga kabataan na siya namang nakakabahala.
Agusan Del sur National High School aksyon kontra Droga!
karamihan sa mga kabataan ngayon ay may bisyo na kalimitang nakukuha nila sa kanilang paligid at sa barkada, sa panahon ngayon laganap na ang droga at karamihan sa mga gumagamit nito ay mga kabataan. ang mga kabataan ngayon ay nangangailangan ng mas pinaigting na gabay at desipilana. Ang gabay at desiplina ay dapat mag mula sa bahay o pamilya, pero pano makakagabayan ang mga magulang kung halos buong araw sa eskwelahan ang kanilang mga anak? kaya bilang pangalawang tahanan ang Agusan del sur National High School ay nag organisa ng mga gawain na makakapag pabaling sa atensyon ng mga estudyante sa kanilang kakayahang pang sports,akademik,arts, at maging sa spiritwal na speto kaysa mapa-barkada,mapa-bisyo o di kaya'y mapa-droga at ang lahat nang iyon ay naging posible dahil sa pangunguna ng BKD o Barkada kontra Droga organization nang Agusan del sur National High school.
Aksyon ng Barkada Kontra Droga
Kada Byernes nagsasagawa ang Barkada kontra Droga ng mga activies na makakapagpalinang sa kakayahan ng estudyante sa pakikipag salamuha, arts,akademik,sports, at maging sa spiritwal na aspeto tulad ng pagsasagwa ng Bible Sharing at iba pa.
Mga activities:
Zumba
![]() |
Laro ng Lahi
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento