Martes, Oktubre 25, 2016





"ILIGAL NA DROGA" salitang umuugong saan ka man mag punta, salitang sangkot sa patayan maging sa pulitika, maraming pinoy maging mga kabataan adik sa DROGA. Bakit ba? ano nga ba ang droga? bilang isang kabataan dapat ba itong pagtuonan ng pansin? bakit kaya tila ang lipunan ay naka sentro sa DROGA? may dalawang klase ng droga may nakakabuti o medicinal/Pharmaceutical drugs at illegal drugs, ang drugang nakaka adik at may masamang epekto sa katawan ng tao. ang illegal drugs ang pinag tutuonan ng malaking pansin ng pamahalaan dahil bukod sa makakapag dulot ito ng sakit at nangungunang dahilan ng mga krimen ay talamak na din ito sa bansa at ang mas masaklap karamihan sa sangkot sa iligal na droga ay mga kabataan na siya namang nakakabahala. 


Agusan Del sur National High School aksyon kontra Droga!

 karamihan sa mga kabataan ngayon ay may bisyo na kalimitang nakukuha nila sa kanilang paligid at sa barkada, sa panahon ngayon laganap na ang droga at karamihan sa mga gumagamit nito ay mga kabataan. ang mga kabataan ngayon ay nangangailangan ng mas pinaigting na gabay at desipilana. Ang gabay at desiplina  ay dapat mag mula sa bahay o pamilya, pero pano makakagabayan ang mga magulang kung halos buong araw sa eskwelahan ang kanilang mga anak? kaya bilang pangalawang tahanan ang Agusan del sur National High School ay nag organisa ng mga gawain na makakapag pabaling sa atensyon ng mga estudyante sa kanilang kakayahang pang sports,akademik,arts, at maging sa spiritwal na speto kaysa mapa-barkada,mapa-bisyo o di kaya'y mapa-droga at ang lahat nang iyon ay naging posible dahil sa pangunguna ng BKD o Barkada kontra Droga organization nang Agusan del sur National High school.




Aksyon ng Barkada Kontra Droga

Kada Byernes nagsasagawa ang Barkada kontra Droga ng mga activies na makakapagpalinang sa kakayahan ng estudyante sa pakikipag salamuha, arts,akademik,sports, at maging sa spiritwal na aspeto tulad ng pagsasagwa ng Bible Sharing at iba pa.

Mga activities:

Zumba








Laro ng Lahi















Martes, Setyembre 27, 2016

                                           Gay Lingua; Kilalanin


        Sa pag usbong ng makabagong panahon, marami narin ang nag bago, mula sa teknolohiya,disenyo ng bahay,gusali estilo ng pananamit at marami pang iba. pero kasabay ng mga pagbabagong ito ay ang pagbabago rin ng ating wika, pagbabago sa paraan ng pag dagdag,pagbawas o pagriribisa ng ating orihinal na wika, pagbabagong nagdulot ng malaking kalituhan para sa ating mga nakakatanda at marahil ay pagiging komportable para sa mga nakakabata. Sa pag silang ng modernong panahon isinilang din ang iba't-ibang uri ng wika tulad ng  jejemon at bekimon o (gay Lingua/Lingo). Marahil matagal na nating naririnig ang mga wikang ito, pero hindi pa natin alam ng lubusan ang tungkol dito. Ano nga ba ito? at kailan nag simula? ito ba ay epektibo sa pakikipag komunikasyon?  Gaano kaya ito ka halaga? o mayroon nga ba talaga itong halaga?

        Sa modernong henerasyon umusbong ang iba't-ibang uri ng sosyo linguwistikong grupo at isa na nga rito ang sosyo linguwistikong grupo ng mga homosexual o mga bakla. Bekimon o Gay language/Lingo/lingua ang tawag sa wika na sinasalita ng mga homosexual o mga Bakla. Ang Gay lingo o bekimon na ang nagsisilbing wikang sinasalita ng mga bakla sa katunayan, sa 10 baklang aming ikinapanayam 8 sa kanila ang marunong magsalita at ginagamit ang bekimon bilang conversational na wika samantalang 2 lang ang hindi ginagamit at hindi marunong magsalita ng naturang wika. Ang gay lingo ay nag simulang lumaganap noong taong 2011, ito ay natutunan lamang nila sa pamamagitan ng pakikipaghalubilo, at pakikinig sa mga usapan ng mga bakla sa kanilang lugar. Bagamat ang wikang ito ay itinuturing na impormal ng karamihan, pero para sa mga bakla na siyang pangunahing gumagamit ng wikang ito, ito'y lubos na mahalaga sapagkat. Sa kabila ng lahat, lubos nilang pinapahalagahan ang kanilang sariling wika o linggwahe dahil Ito lang ang nagpapatunay na sila ay nagkakaisa at masaya. Ang wikang  ito ang pangunahing gamit nila upang magkaroon sila ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba Ang salitang gay lingo ay maaring matutunan kahit saan o kahit sino, kahit hindi ka bakla dahil ang wikang ito sa kasalukuyan, ay itinuturing na salitang sosyal dahil sa pagiging laganap.

       Maaaring hanggang ngayon hindi pa tukoy kung kailan at saan eksakto nag simula ang gay lingo,  Marahil, para sa ating hindi gumagamit, hindi marunong at hindi nakakaintindi, ang wikang ito ay isang panggulo lamang at walang halaga. pero para sa mga taong gumagamit, nakakaintindi, at nakakapag salita nito, ito ay isang wikang tulay tungo kanilang pagkakaintindihan at instrumento sa sa kanilang pagkakaisa.




Talasalitaan:
         
             
Cebuano Gay Lingo
Filipino
Erkat sukaw
Malandi ka
Sulok sukaw
Bobo ka
Erbot
Puwet
Q-ang
Baliw
Qulat
Hintay
Whre sang suya
Nasaan siya
Syudtoms bayot.
Eto na oh!
Syumims lang
Eto kang
Flight juken
Aalis na ako.
Gorra
Tara
Yebha
Boyfriend
Meme na kiks
Lami o yummy
Aketch/sukim
Ako
sukaw
Ikaw
Juris/junakis
anak
Mudra
mama
Judian
Ayaw
Pipa/Erfa
Maganda
Betsuya
Gusto ko siya!
suya
Siya
keks
Lalake
tsararat
Pangit
Erfu
Gwapo
Eby
Babae
Yotsmi
Bakla
Maya
Parang bakla
Jurag
Lakwatsera
Burlog
Natulog
Melet
Mga bagay-bagay
Tombalats/tombabels
Tomboy/tibo
Was
wala
Peslak
Mukha